Ang saya ng “Buwan ng mga Wika” na pinagdiwang natin sa Wellington kanina. Kaya “mga wika” dahil hindi lang po Tagalog ang opisyal na wika natin, meron ding:
Kapampangan
Ilokano
Bikolano
Hiligaynon
Cebuano
Waray
at iba pa
Salamat sa Sentro-Ako : Wellington Filipino Community Learning Hub na naging kasama namin sa pag-organisa.
Salamat din sa mga volunteers na palaging nandyan para sumuporta sa mga proyekto ng Banyuhay Aotearoa.
Salamat sa ating Consul General Christopher Patrick Aro mula Philippine Embassy in New Zealand sa pagpapa-unlak sa aming imbitasyon na magbigay ng kaunting salita para sa ating mga kababayan. Nakapagbigay po kayo ng inspirasyon lalo sa ating mga kabataan na matutunan ang wika na parte ng kanilang pagkatao at pagkakakilanlan.
At siyempre, maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nawa’y nalibang kayo, may bagong natutunan at nabusog. Sana po ay makasama namin kayo muli sa mga susunod na proyekto.
Mabuhay po tayong lahat.
Commentaires