Ang aming mga Haligi
Pinaplano at hinuhubog namin ang aming mga kaganapan at aktibidad base sa tatlong haligi ng adbokasiya upang matiyak na mananatili kaming tapat sa aming bokasyon ng pagbuo ng isang komunidad ng mga migranteng Filipino sa Aotearoa New Zealand na sumusuporta sa isa't isa at nagtutulungan upang mapanatili at protektahan ang ating pamana at kasaysayan.
Banyuhay ang Kaagapay
Embracing Filipino Migrants in New Zealand
Ang "Kaagapay," ay kumakatawan sa pangunahing misyon ng Banyuhay Aotearoa. Ang aming organisasyon ay nakatuon sa pagyakap sa mga Filipinong migrante sa New Zealand sa pamamagitan ng pagtayo kasama nila, at pakikipagtulungan upang maibsan ang kanilang mga pakikibaka. Kinikilala namin ang mga natatanging hamon at karanasang kinakaharap ng mga migranteng naninirahan sa New Zealand. Ang aming misyon ay lumikha ng isang mapag-aruga at inclusive environment kung saan ang bawat migranteng Filipino ay nakadarama ng suporta, pagpapahalaga, at kapangyarihan upang umunlad sa kanilang bagong tahanan. Sa pamamagitan ng suporta at empowerment mula sa komunidad, nilalayon naming pasiglahin ang pagiging kabilang, katatagan, at pangkalahatang kagalingan sa mga migranteng Filipino. Nauunawaan namin na ang pangingibayo ay maaaring overwhelming, at nagsusumikap kaming magbigay ng mga kinakailangang sistema ng suporta upang mapagaan ang kanilang paglipat at mapaganda ang kanilang kalidad ng buhay

![]() | ![]() | ![]() |
---|---|---|
![]() | ![]() | ![]() |

Pamana ng Lahi
Celebrating and Preserving Filipino Heritage
Ang "Pamana," at "lahi," ay bumalot sa diwa ng ipinagkaloob sa atin ng ating mga ninuno—ang kanilang wika, sinaunang kaalaman, at mga tradisyong pangkultura. Ang Banyuhay Aotearoa ay nakatuon sa pagdiriwang at pagpapanatili ng mayamang pamanang Filipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga kaganapan na nagpapakita ng makulay at magkakaibang aspeto ng kulturang Filipino sa New Zealand.
![]() | ![]() | ![]() |
---|---|---|
![]() | ![]() | ![]() |
Kasaysayan ng Lahi
Preserving and Promoting the Truth of Filipino History
"Kasaysayan," at kasama ng salitang "lahi" ay nangangahulugang "kasaysayan ng ating bayan." Ang Kasaysayan ng Lahi ay kumakatawan sa ating pangako sa pangangalaga at pagtataguyod ng katotohanan ng kasaysayan ng mga Filipino, batay sa mga mapagkakatiwalaang sources at ebidensya. Layunin ng Banyuhay Aotearoa na ibahagi ang mga kwento, karanasan, at kontribusyon ng mga Filipino sa pamamagitan ng komprehensibo at tumpak na paglalarawan ng kanilang kasaysayan.

![]() | ![]() | ![]() |
---|---|---|
![]() |